The official lyric video for "Tahanan" by Matthaios. Stream & download "Tahanan" here:
Vibe with Matthaios:
-----
Lyrics:
[Intro]
Matthaios be wonderin’
[Verse 1: Matthaios]
Hindi alam kung ano ang ‘yong nasa isip
Sana pagbigyan ako kahit saglit na makasilip at nang malaman ko kung anong bumabagabag sa dating sobrang payapa na ikaw
Handang samahan sa pinakamababa o sa rurok ng bundok na tanaw natin si Bathala
Sa mga araw na tingin mo’y kulang ka, ako ang bubuo sa ‘yo parang nawalang piyesa
[Chorus: Matthaios]
Hayaan mo ako na mahalin ka
Lumubog ka sa ‘king yakap, sasamahang uminda
Kapag ligaw na sa mundo na magulo, ako’y magsisilbing tahimik na tahanan mo
[Post-Chorus: Matthaios]
Magsisilbing tahanan sa iyong mundo
Magsisilbing tahanan sa iyong mundo
[Verse 2: Matthaios]
Sabihin mo kung gusto mo ng kausap o taga pakinig sa mga kwento sa ‘yong buhay
Malungkot, masaya, at halo-halong drama
Manatili sa tabi mo, ‘yon siguro ang tadhana ko
Ayoko na makita na mata mo’y lumuluha, tahan na, oh aking sinta
Sa oras na uhaw na nga ang ‘yong puso, pupunan ko ng pag-ibig, umaapaw at yung puro
[Chorus: Matthaios]
Hayaan mo ako na mahalin ka
Lumubog ka sa ‘king yakap, sasamahang uminda
Kapag ligaw na sa mundo na magulo, ako’y magsisilbing tahimik na tahanan mo
[Post-Chorus: Matthaios]
Magsisilbing tahanan sa iyong mundo
Magsisilbing tahanan sa iyong mundo
-----
© 2025 Matthaios
#Matthaios #Tahanan